Inihayag ng Office of the Vice President (OVP) na “best accomplishment” sa unang 100 araw ni Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President Sara Duterte-Carpio ang pagbalik ng face to face classes sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Vice President Duterte, kanila nang isinasapinal ng OVP ang lalamanin ng kaniyang ulat para sa ika-100 araw niya bilang pangalawang pangulo ng bansa, bukas.
Sinabi ni VP Duterte, na isang malaking tagumpay ang pagbabalik sa normal ng klase ng mga estudyante.