Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang si Foreign Affairs (FA) Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa gaganaping G7-ASEAN Foreign and Development Minister’s Meeting sa Liverpool, United Kingdom.
Dadalo sa naturang pagpupulong ng G7 ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kasama ang Australia, India at Republic of Korea na gaganapin bukas.
Sinabi ng FA, kabilang sa tatalakayin ni Locsin at ng mga ministers mula sa G7 countries ay tungkol sa bakuna at global health security, imprastraktura, teknolohiya, gender equality, seguridad at ilan pang global issues na kinakaharap ng Pilipinas.
Samantala, ang United Kingdom naman ang maghohost sa nasabing pagpupulong kung saan ito rin ang presidente ng G7 ngayong taong ito.
Kabilang sa G7 ang mga bansang UK, United States, Canada, Japan, Germany, France, at Italy.