Hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa indoor areas sa Spain at Germany.
Gayunman, kinakailangan pa ring magsuot ng masks sa mga pampublikong sasakyan, ospital, nursing homes at mga botika.
Sinabi ng Ministry of Health ng Spain na ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagiging fully vaccinated ng 92% ng kanilang populasyon.
Sang-ayon naman ang mga Pinoy sa nasabing mga bansa sa pagtanggal ng face mask, gayunman patuloy pa rin ang kanilang pag-iingat laban sa COVID-19.
Samantala, nagluwag na rin sa face mask ang karamihan ng mga bansa na kabilang sa European Union, maliban sa Italya at Portugal.