Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko kaugnay sa paggamit ng face mask na may exhalation valve.
Ayon kay FDA Dir. Gen. Rolando Enrique Domingo, ang naturang klase ng face mask ay dinisenyo na mayroon lamang one-way protection laban sa virus.
Ibig sabihin aniya nito ay malayang nakadadaan ang ibinugang hangin sa maliit na bilog o square filter disc na nakakabit sa harapang bahagi ng mask.
Ani domingo, two-way protection ang kailangan para maiwasan ang posibleng transmission o pagpasa ng virus sa iba.
Dahil dito, sinabi ni Domingo na hindi mainam gamitin ang naturang klase ng face mask lalo na sa mga ospital, klinika at iba pang healthcare facilities.
Payo ng FDA, mas mainam kung magsusuot ng face mask na tumatakip sa ilong at bibig.