Isang uri ng face mask na nakaka-detect ng COVID-19 ang inimbento sa Japan.
Ang kakaibang face mask ay nilikha ng team ni Yasuhiro Tsukamoto mula sa Kyoto Prefectural University.
Binuo ng team ni Tsukamoto ang mask filter gamit ang antibodies ng ostrich dahil umano malakas ang immunity ng mga ibon sa mga sakit.
Sa isinagawang pag-aaral, pinasusuot ang naturang mga face masks sa test subjects sa loob ng walong oras at pagkatapos, tatanggalin ang filter ng mask at wiwisikan ito ng kemikal.
Matutukoy na may virus kapag umilaw sa ilalim ng ultraviolet light at natuklasan nilang karaniwang umiilaw sa may bahagi na malapit sa bibig o ilong ng mga tao ang infected ng COVID-19.