Posibleng hindi na kailanganin ang pagsusuot ng facemask sa huling quarter ng taon.
Ito, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, ay kung tuluyan ng bumababa ang COVID-19 cases o matapos na ang pandemya.
Kung tiyak na anya ang kaligtasan ng publiko ay maaaring pagkatapos ng transisyon ng bagong gobyerno ay maaari nang tanggalin ang mandatory use ng facemask.
Pinaalalahanan naman ni Galvez ang publiko na hangga’t maaari ay mag-double mask lalo na ngayong panahon ng halalan kung saan inaasahan ang umpukan ng mga tao. —sa panulat ni Mara Valle