Aprubado na ng Cebu Provincial Board ang ordinansa na nag-a-adopt sa Executive Order ni Governor Gwendolyn Garcia na gawing “Optional” ang pagsususot ng face mask sa lalawigan.
Isinagawa ang isang Special session, na ipinatawag mismo ni Garcia, kahapon, hinggil sa pag-apruba sa ordinansa na pinagtibay naman ng Gobernadora bilang “urgent.”
Alinsunod sa bagong Ordinansa, dapat lamang magsuot ng face mask sa mga closed-door area, air-conditioned spaces o sa matataong lugar maging ang mga may sintomas ng COVID-19 ay dapat magsuot nito.
Optional naman ang pagsusuot ng face mask sa labas at sa well-ventilated areas at wala na ring basehan ang mga pulis upang arestuhin ang mga indibidwal na hindi nakasuot ng mask.
Epektibo ang bagong ordinansa 15- araw matapos ilathala sa pahayagan.