Nilinaw ng Department of Health na dapat pa ring magsuot ng face masks sa public transport at medical facilities sa kabila ng plano ng gobyerno na luwagan ang facemask mandate.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, opsiyonal ang pagsusuot ng facemask sa indoor areas at requirement pa rin ang pagsusuot nito sa healthcare facilities gaya ng mga clinic at ospital.
Pawang mga high-risk area anya ang mga health at transport facilities at lantad sa iba’t ibang sakit ang mga nakatatanda, buntis at may comorbidities.
Una nang inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco na plano ng pamahalaan na alisin na ang mandatory wearing ng masks sa indoor settings.
Gayunman, hindi pa naglalabas ng executive order si Pangulong Bongbong Marcos para rito.