Bagsak presyo na sa pitong piso ang face shield ngayon sa Divisoria matapos na ipatupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang hindi sapilitang paggamit nito.
Karamihan sa mga pasahero sa pampublikong sasakyan ay wala nang suot na face shield sa halip ay naka face mask na lang.
Sa kabila nito, may mga ilang manggagawa at mamimili ang pinili pa ring magsuot nito bilang proteksyon kontra COVID-19.
Samantala, umapela na ang Department of Health sa mga lokal na pamahalaan ng bansa na hintayin muna ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force bago tuluyang alisin ang pagsusuot ng face shield. —sa panulat ni Airiam Sancho