Iginiit ng Commission on Elections na kailangang magsuot ng face shield ng mga botante sa halalan sa May 9.
Ito, ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ay base sa kanilang pinakabagong guidelines.
Hindi anya nila papayagang bumoto ang mga tao kung walang suot na face mask at face shield.
Idinagdag ni Jimenez na kinokonsulta na nila ang Department of Health sa pagpapatuapd ng naturang polisiya sa mismong araw ng botohan.