Sususpendihin sa ilalim ng alert level 3 nang hindi bababa sa dalawang linggo ang face to face classes sa Metro Manila.
Ito ay bilang pagsunod sa mas pinahigpit na restriksiyon matapos ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Pol. Col. Rhoderick Augustus Alba, kabilang pa sa mga sususpendihin ay ang operasyon ng karaoke bar, indor entertainment, kid amusement places, casino, horse racing, cockfighting at contact sports.
Bibigyan naman ng green light o 30% ng kapasidad ang mga establisyimento o closed-door avenue habang 50% ng kapasidad naman ang outdoor areas.
Sa ngayon, hinihintay pa ang pinal na guidelines kaugnay sa mas mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols sa ilalim ng alert level 3. —sa panulat ni Angelica Doctolero