Pinag-aaralan na ng Department of Education (DEPED) ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, bago ito ibalik kailangan munang matiyak ang kahandaan ng kagawaran at mga paaralan na mapapabilang sa pagkakaroon ng face-to-face classes.
Gayunman nilinaw ni umali na walang face-to-face classes na nangyayari ngayon saan mang panig ng bansa.
Kasabay nito, humingi ng pang-unawa si Umali kaugnay sa mga maling nilalaman ng ipinamahaging modules.
Tiniyak ni Umali na sisikapin nilang itama ang lahat ng ito, gawing perpekto ang lahat sa kabila ng kinahaharap na sitwasyon ngayon ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.