Itutuloy pa rin ang pagsasagawa ng face to face classes sa kabila ng banta ng Omicron variant sa bansa.
Ito ang iginiit ni Education Secretary Leonor Briones kung saan sinabi ng ilang mga eksperto na hindi kasing panganib ng mga naunang variant ang Omicron.
Paliwanag pa ni Briones na wala pang naitatalang kaso ng nasabing variant sa bansa kaya posibleng hindi itigil ng deped ang pagsasagawa ng in person classes.
Matatandaang, batay sa inilabas na ulat ng Department of Health (DOH), sa isinagawang genome sequencing ay walang naitalang bagong variant na nakapasok sa bansa.