Posibleng isama na ng Commission on Higher Education (CHED) ang kursong Doctor of Veterinary Medicine sa mga posibleng pabalikin sa face to face classes.
Ito’y kasunod ng binuong draft guidelines technical working group for veterinary medicine na siyang magsusumite sa komisyon para magbalik eskwela.
Ipinabatid naman ni CHED Executive Director Atty. Cenderilla Filipina Benitez-Jaro, na ihahain nila sa komisyon ang naturang guidelines bago ito dalhin sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at Palasyo.
Unang inaprubahan ng Malakanyang IATF at komisyon ang balik eskwela ngunit hindi kasama sa listahan nas inilabas ng CHED ang naturang kurso sa papayagan sa face to face classes.
Kaya’t umapela sa komisyon ang University of the Philippines College of Veterinary Medicine Student Council para payagan na ang face to face classes sa mga magiging beterinaryo ng bayan.