Posible nang makapagdaos ang mga paaralan ng in-person graduation ceremonies para sa School Year 2021-2022, kung magpapatuloy ang paghusay ng COVID-19 pandemic situation sa bansa.
Ayon kay DepEd undersecretary Nepomuceno Malaluan, posible ring mas maagang magsimula ang pagbubukas ng S.Y 2022-2023 kung magtutuluy-tuloy na ang pagganda ng sitwasyon sa bansa.
Sinabi rin ni Malaluan na magsasagawa sila ng rekomendasyon at plano base sa kanilang desisyon, habang ang susunod na administrasyon na ang magsasagawa ng mga kaukulang adjustments kung kailan magsisimula ang susunod na school year.
Matatandaang ang School Year 2021-2022 ay nagsimula noong September 13, 2021 dahil sa pandemya at mayroong 25 million na estudyanteng nag-enroll para dito.—sa panulat ni Mara Valle