Namemeligro umanong tumaas ng 8% ang COVID-19 deaths sa sandaling ibalik na ang face-to-face classes sa unang quarter ng 2021.
Batay ito sa ulat ng Asian Development Bank (ADB) na may pamagat na “Cost-benefit analysis of face-to-face closure of schools to control COVID-19 in the Philippines”.
Gayunman, inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa kanilang pag-aaral na nasa halos P2 trilyong economic opportunities ang maaaring mawala kung pipigilan ang face-to-face classes
Dahil dito, inihayag ni NEDA Dir/Gen. at Socio-Economic Planning Sec. Karl Kendrick Chua na pabor sila sa dahan-dahang pagbubukas ng klase sa mga paaralan subalit kailangan pa ring tiyaking ligtas ito.