Handa na ang Department of Education na magsagawa ng pilot implementation ng limitadong face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa mga minimal risk areas sa buong bansa simula ngayong buwan.
Sa laging handa public briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na all set na o kumpleto na para sa Nobyembre a-15 ang 100 pampublikong paaralan at on-going pa ang evaluation at assessment sa dalawampung pribadong eskwelahan na magpapatupad ng kani-kanilang face to face classes.
Nasa 3 hanggang 14 na paaralan sa Region 1, 3, Region 4A, 5, 6, 7,8,9,10,11, 12 at 13 ang kabilang sa mga magpapatupad ng pilot implementation ma ito ngayong buwan. —sa panulat ni Joana Luna