Hindi na kakailanganin pang bakunahan kontra COVID-19 ang mga menor de edad, kung tuluyan nang mawawala ang transmission ng virus oras na matapos maturukan ang mga ‘adult’ Filipinos.
Ito ang paniniwala ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nangangahulugan lang kasi aniya na mababa na ang tsansang dapuan pa ng virus ang mga kabataan dahil nabakunahan na ang mga nakatatandang nakapalibot sa kanila.
Pero ani Roque, hindi siya sigurado kung ito na nga ang susi para maibalik ang pagdaraos ng face-to-face classes sa bansa.
Paglilinaw pa ni Roque, wala siya sa posisyon para magbigay ng kongkretong sagot dahil nakadepende pa ito sa mga datos mula sa iba’t-ibang eksperto.
Sa huli, ani Roque, sa ngayon dapat munang obserbahan ang magiging resulta ng pasisimulan pa lamang na vaccination program ng pamahalaan.