Inanunsiyo ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi sila magpapatupad ng full face-to-face sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Ito ay salungat Department of Education (DEPEd) na ginawa nang required ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante na may limang araw ng pasok kada linggo simula Nobyembre 2.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero De Vera, binibigyan nila ng kalayaan ang mga administrador ng mga unibersidad at kolehiyo na gumawa ng kani-kanilang learning set-up na aakma sa kanilang mga programa.
Samantala, una nang inanunsiyo ng University of the Philippines ang pagpapatupas ng blended learning sa darating na pasukan.