Ipinagpaliban muna ng Far Eastern University ang pagsisimula ng face-to-face classes sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Binago ng FEU ang petsa ng nakatakdang pagsisimula ng piling face-to-face classes para sa second semester ng school year 2021-2022.
Ayon sa Unibersidad, lahat ng mga klase ay isasagawa online simula January 17 hanggang February 12.
Gayunman, sakaling umayos ang sitwasyon ay magbabalik ang face-to-face classes para sa mga estudyante mula 3rd hanggang 5th year sa February 14.