Pinag-aaralan ngayon ng Department of Education (DepEd) na payagan ang ilang international schools sa Metro Manila na magsagawa ng face-to-face classes.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, ilang international school ang nagsumite ng kanilang plano at interes na makilahok sa pilot implementation ng limited face-to-face classes.
Kaya ani Nepomuceno, dadaan ito sa masusuing pag-aaral lalo’t bumubuo ngayon ang DepEd ng mahigpit na guideline para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng makikilahok sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Sa ngayon ay mayroong isandaang pampublikong paaralan at dalawampung pribado ang nakatakdang magsagawa ng face-to-face classes sa Nobyembre 15.