Suspendido na ang limited face-to-face classes sa Maynila matapos ilagay ang rehiyon sa Alert Level 3.
Ayon sa Department Of Education, ang suspensiyon ay matapos ang konsultasyon sa Department Of Health (DOH) sa gitna ng tumataas ng kaso ng COVID-19.
Nasa 28 ang pampublikong paaralan sa Metro Manila na nakapagsagawa na ng limited face-to-face classes simula noong Disyembre 2021.
Samantala, mananatili namang tuloy-tuloy ang face-to face classes sa pilot schools sa mga lugar na nasa Alert Level 1 At 2 hanggang sa maisapinal ang kagawaran ng in-person classes. —sa panulat ni Mara Valle