Iginiit ng CHED ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga eskuwelahang mayroong health allied programs at iba pang kurso sa mga lugar na nasa MGCQ.
Sinabi ni CHED chairman Prospero De Vera na naghihintay rin sila ng pasya ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos na iendorso ng IATF ang pagbabalik ng face-to-face classes ngayong pasukan.
Ayon kay De Vera, isinama nila sa mga kursong dapat magkaroon na rin ng face-to-face classes ang Engineering, Hospitality/Hotel and Restaurant Management, Tourism and Travel Management, Marine Engineering at Marine Transportation.
Kasabay nito, ipinabatid ni De Vera na mula Hulyo 2021, mahigit 13,000 estudyante na ang sumailalim sa limited classes habang nasa 1K faculty members ang nagsagawa ng limited classes sa halos 120 higher education institutions sa bansa.