Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat masakripisyo ang kalidad ng edukasyon dahil na rin sa kawalan ng access sa blended learning ngayong may pandemya sa COVID-19.
Ito ang dahilan kaya’t iminungkahi ni Robredo sa Department of Education DepEd na ipatupad ang face-to-face classes sa mga lugar na walang naitatalang COVID-19 transmission.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, hindi dapat ipilit ang modular learning sa lahat kung gagastos lamang ang mga magulang lalo’t mainipis ang apat na bilyong piso para sa distance learning na inaprubahan sa Bayanihan 2 Act.
Sa ilalim ng distance learning, mangangailangan ng laptop, internet connection at printed modules ang mga estudyante at guro.