Posibleng sa susunod na taon pa masimulan ang face to face classes sa mga pribadong paaralan sa Metro Manila.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, kailangan munang makuha ang consent ng mga LGUs gayung mayroon pang mga alkalde na nagdadalawang-isip sa pagbabalik ng limited in-person classes.
Sa ngayon, nasa 120 paaralan pa lamang sa buong bansa, ang pinayagang makapagsagawa ng limited face-to-face classes, na bahagi ng pilot phase nito.—sa panulat ni Joana Luna