Malaki ang posibilidad na gawin din sa Metro Manila ang limitadong face to face classes.
Ito ayon kay DepEd Director Roger Masapol ay kasunod na rin nang pagganda ng sitwasyon kontra COVID-19 sa Metro Manila.
Ipinabatid ni Masapol na positibo ang tugon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kahilingan nilang payagan ang mas marami pang paaralan na masakop ng pilot implementation ng limited face to face classes na magsisimula sa November 15.
Sinabi ni Masapol na isandaang public schools sa buong bansa maliban sa NCR, Cordillera Administrative Region, Region at Region 4B ang handa nang makiisa sa pilot in person classes.