Tuloy na sa Nobyembre ang implementasyon ng full face-to-face classes ng mga estudyante.
Ito ang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa senate hearing para sa 2023 proposed budget ng Department of Education (DEPED).
Ipinagmalaki ni VP sara ang matagumpay na pagbubukas ng klase sa bansa kahit nasa gitna ito ng pandemya.
Gayunman, sinabi ng pangalawang pangulo na pahihintulutan naman ang blended learning sa ilang mga sitwasyon.
Siniguro rin ni Duterte na nakatuon ang deped sa learning recovery at continuity sa harap ng epekto ng COVID-19 pandemic sa sektor ng edukasyon.