Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na magsasagawa na ang Unibersidad De Manila (UDM) ng face to face classes para sa nursing at physical therapy classes simula ngayong araw.
Ito’y matapos makapasa sa isinagawang inspeksiyon ng Commission on Higher Education kahapon.
Ipinabatid ni UDM President Felma Carlos Tria, ipagpapatuloyn nila ang face to face classes kasabay ng pagtitiyak na makapagbibigay ng de kalidad na edukasyon nang hindi malalagay sa panganib ang kanilang mga estudyante.
Bukod dito, tiniyak naman ni Tria sa mga magulang ng estudyante na mahigpit nilang ipatutupad at susundin ang mga health protocols kung saan lahat ng kanilang empleyado ay fully vaccinated laban sa COVID-19.