Malaking hamon at may dalang panganib ang pagpapahintulot sa face-to-face campaign para sa 2022 national elections.
Ito’y ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa gitna na rin ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Aniya, paiigtingin kasi nito ang tiyansa ng pagkakaroon ng close contact ng iba’t ibang tao na maaring maging sanhi ng pagkalat ng virus.
Nakipag-ugnayan na rin aniya sa kanila ang Commission on Elections (COMELEC) upang talakayin ang mga patakaran para sa paparating na halalan.
Magugunitang una nang inihayag ni COMELEC spokesperson James Jimenez ang plano nilang ipagbawal ang face-to-face campaigning o ang nakagawiang paraan ng pangangampanya upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.