Maayos ang inisyal na pagtaya ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa muling pagpapatupad ng face to face visitation sa mga bilanggo o Person’s Deprived of Liberty (PDL).
Sinabi ni BJMP Spokesman Jail Superintendent Xavier Solda na 478 na mga district jail sa buong bansa ang pinayagan na ng in-person visitation.
Iginiit ni Solda na bago ibinalik ang face to face visitation, malaking konsiderasyon ang vaccination coverage ng mga preso at mga personnel ng BJMP, lagay ng community transmission, at bilang ng mga kaso sa mga kulungan.
Para sa mga kulungan na masikip, ani Solda, magpapatupad sila ng adjustment sa bilang ng mga bibisita sa mga preso.
Aniya, 25% ng total jail population ang pwede lamang makadalaw dahil hindi lang health concern ang kanilang iniisip kundi maging ang security concern sa mga pasilidad.