Milyun-milyong Facebook, Messenger, at Instagram users sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas, ang hindi ma-access ang kanilang accounts.
Kasunod na rin ito nang pag crash ng nasabing social media apps.
Ayon sa downdetector.ph, dakong 10:15 p.m. ng Huwebes, Nobyembre 28, oras sa Pilipinas nang simulang maranasan ang mga naturang aberya.
Naranasan din ang mga problema sa Asia, Europe, at Amerika.
Ang Whatsapp na nasa ilalim din ng kumpanyang nagmamay ari ng Facebok at Instagram ay hindi naman apektado.
Ayon sa tagapagsalita ng Facebook, patuloy silang gumagawa ng paraan para maibalik sa normal ang pag-access sa kanilang social media sites sa lalong madaling panahon.
Matatandaang nakaraang Hulyo ng kasalukuyang taon nang huling makaranas ng glitch ang Facebook, Instagram, at Whatsapp, na tumagal ng halos isang araw.