Magkakasa ng mas mahigpit na panuntunan ang Facebook at Twitter sa mga political advertisements na ipino-post sa dalawang social networking sites.
Sa Amerika, epektibo na ang polisiya ng FB at Instagram kung saan kakailanganin ng labeling at verification ng identity para matukoy kung bayad ba ang political ads na inilalagay sa FB.
Nangangahulugan itong ang mga political ads sa FB ay dapat lagyan ng mga katagang paid for by.
Sinabi ng FB na ipatutupad na rin nila ang naturang polisiya sa ibang bansa.
Sa panig naman ng Twitter, ikakasa na rin nito ang paglalagay ng election labels sa post ng mga kandidato sa Amerika at hihigpitan pa ang requirements para sa Twitter users na gumagamit o nagpo-post ng political campaigning ads.
Dapat anitong mayroong nakalagay na valid contact information ang bio ng user.
—-