Sinibak ng Facebook Inc. ang isang empleyado nito matapos umanong batikusin ang pagbalewala ni Chief Executive Mark Zuckerberg sa ilang posts ni US President Donald Trump na nag-ugat sa Black Lives Matter protest.
Ayon sa ulat, natanggal sa trabaho si Interface Engineer Brandon Dail nang isapubliko ang kanyang banat laban sa isang katrabaho na tumangging isama ang ‘statement of support’ sa grupong nangunguna sa protesta sa pagkamatay ni black American George Floyd.
Sa kanyang tweet, binigyang diin ni Dail na tila napasok na ng pulitika ang kanilang platform kaya ayaw nitong magsalita tungkol sa isyu.
Bagama’t winarningan umano si Dail, hindi naman binaklas ng Twitter at Facebook ang naturang posts.