Duda ang Malacañang na iba-ban ang Facebook sa Pilipinas.
Ito’y makaraang kwestyunin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging hakbang ng Facebook na pagbura sa mga account at page na nagsusulong umano ng mga adbokasiya alinsunod sa isinusulong ng pamahalaan.
Ayon kay Roque, hindi naman pagbabanta ang naging pahayag ng pangulo sa halip ay nais lamang nitong magkaroon ng pag-uusap sa social media giant.
Kapwa aniyang hindi makabubuti sa bansa at sa Facebook kung iba-ban ito sa Pilipinas dahil isa ang mga Pinoy sa pinakamarami at pinaka-aktibong gumagamit ng naturang application.