Iniimbestigahan na ng facebook ang ulat na na-exposed o nailantad online ang kanilang database na naglalaman ng pangalan at phone numbers ng mahigit 200-M nilang users.
Ayon sa tagapagsalita ng facebook, kanila nang pinag-aaralan ang usapin bagama’t may posibilidad aniyang luma ang nailantad na mga impormasyon.
Aniya, maaaring nakuha ang nabanggit na database pa bago ang ginawa nilang pagbabago sa kanilang sistema para mas mabigyan ng proteksyon ang impormasyon ng lahat ng facebook users.
Batay sa blog post ng website na Comparitech, nakita ng security researcher na si Bob Diachenko ang database ng facebook na bukas para ma-download sa isang online hacker forum noong nakaraang linggo.
Nai-report na rin anila ang nakitang database at naialis na rin kahapon.