Bumagsak at hindi ma-access ng ilang mga users sa buong mundo ang Facebook social media website kahapon.
Ito na ang ikalawang pagtigil ng Facebook sa loob lamang ng halos isang linggo.
Bumagsak naman ang company shares nito ng halos 4 na porsyento at $89.25 US dollars sa merkado kahapon.
Sa Facebook map na downdetector.com, kung saan namomonitor ang pagtigil, kita ang pagbagsak sa malaking bahagi ng North America.
Hindi rin gumagana ang mobile application nito subalit gumagana naman ang messenger services.
Sa Facebook.com mababasa ang mensahe na “sorry, something went wrong. We’re working on it and we’ll get it fixed as soon as we can.”
Tumigil din at hindi ma-access ang Facebook sa North America, Europe, Australia at India.
Wala pa namang komento ang Facebook hanggang sa ngayon.
By Mariboy Ysibido