Umabot na sa halos $100 milyon ang nalugi sa social media giant na Facebook dahil sa malawakang outage.
Ito ang kinumpirma ng Facebook matapos makabalik online ang kanilang platforms, kabilang na ang Instagram at Whatsapp.
Bumagsak din ng 4.9% ang stocks ng FB habang nalagasan ng halos $7 bilyon ang yaman ni Facebook Chairman at CEO Mark Zuckerberg.
Nilinaw naman ng Facebook na configuration change sa kanilang routers at hindi tangkang pag-hack ang dahilan ng major outage. —sa panulat ni Drew Nacino