Na-hack ang Facebook page ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region o DSWD-NCR.
Ayon kay DSWD officer-in-charge undersecretary Eduardo Punay, patuloy na nire-retrieve ang kanilang account at nakikipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology upang maimbestigahan ang nangyaring insidente.
Dahil dito, maraming mga maling impormasyon ang kumakalat kaugnay sa ayuda kung saan, ito ang naging dahilan para dagsain ang kanilang tanggapan. — mula sa panulat ni Jenn Patrolla