Ilang oras naantala ang operasyon ng social media giant na Facebook sa Southeast Asia kabilang sa Pilipinas; Australia, New Zealand, Japan, West Coast ng Estados Unidos at ilang bahagi ng Canada kaninang umaga.
Dakong alas-7:00 nang mahirapan ang mga Facebook user na i-access ang kanilang mga account.
Makalipas ang mahigit dalawang (2) oras ay naibalik na sa normal ang nabanggit na social media platform.
Wala pang paliwanag ang Facebook kung ano ang naging sanhi ng pag-crash ng kanilang platform sa mga nabanggit na lugar.
By Drew Nacino
Facebook sa Pilipinas at ilang bahagi ng Asia Pacific nag-crash was last modified: May 9th, 2017 by DWIZ 882