Isa pang consumer ang nasuklian ng depektibong P100.00 sa Quezon City matapos mag – viral sa social media ang “faceless” P100.00.
Mistulang nadoble ang mukha ni dating Pangulong Manuel Roxas sa P100.00 na isinukli umano sa isang lalaki sa palengke sa Tandang Sora.
Bukod sa mukha ng dating Pangulo sa harapan, makikita din ang kanyang mukha sa likod na nakapatong sa Mayon Volcano batay sa ibinahagi sa social media ng isang Emmanuel Constantino.
Ayon kay Constantino, bibili lamang silang magkakaibigan ng fountain at iba pang paputok sa palengke at nag – abot ng P500.00 subalit nang suklian ng P100.00 ay bumabakat ang nasa harap.
Bukod kay Constantino, nagulat din ang estudyanteng si Yves Osorio nang mag – withdraw sa isang automated teller machine (ATM) sa Makati at nakakuha ng siyam na P100.00 na walang mukha.