Nanindigan ang Manila lgus na hindi nila aalisin ang pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar sa lungsod.
Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng naa-admit sa Covid Field Hospital kung saan, halos 200 mga pasyente ang patuloy na nagpapagaling.
Ayon kay Manila City Mayor Honey Lacuna, ito ay dahil sa umiiral pa rin ang covid-19 sa bansa maging ang mga banta ng mas nakahahawang subvariants ng omicron.
Sinabi ni Lacuna na mas paiigtingin ng kanilang lungsod ang pag-iikot ng mga health workers at mga pulis, upang paalalahanan ang mga residente na umiiiral parin ang ordinansa sa paggamit ng facemask.