Nananatiling mabisa pangontra sa iba’t-ibang variant ng COVID-19 ang mga fabric facemasks.
Ito’y ayon sa naging pag-aaral ng World Health Organization (WHO) kasabay ng pagkalat ng bagong mga variant o uri ng virus.
Paliwanag ng WHO, kanilang ipinapayo ang paggamit ng non-medical at fabric masks sa mga indibidwal wala pang 60 anyos ang edad.
Habang ang mga medical facemasks naman ay kanilang inirerekomendang gamitin ng mga indibidwal na kabilang sa vulnerable sectors gaya ng health workers, mga naghihintay ng COVID-19 test results, at mga may indibidwal na may underlying health conditions.
Kasunod nito, ayon sa WHO, wala pa silang planong palitan o kaya’y i-update ang kanilang guidelines sa paggamit ng facemasks kontra COVID-19 dahil hindi naman nagbago anila ang mode of transmission o paraan ng pagkalat nito.