Inilabas na ng pulisya ang facial composite sketch ng gunman na pumatay kay Father Mark Ventura sa Gattaran Cagayan.
Ayon sa PNP, kanilang ibinatay ang sketch ng gunman sa salaysay ng dalawang testigong nakausap pa ng salarin bago isakatuparan ang krimen.
Sinasabing kayumanggi ang kulay ng salarin, tinatayang may taas na 5-4 hanggang 5-5 at may balat sa kaliwang pisngi.
Lumabas din sa imbestigasyon na personal na galit ang motibo sa pagpaslang kay Father Ventura at walang kaugnayan ang pagiging pari nito.
Magugunitang binaril si Father Ventura nang malapitan ng hindi pa nakikilalang salarin pagkatapos lamang ng pinangunahan nitong misa sa isang gymnasium sa Barangay Piña West.