Umarangkada na ang fact finding ng PNP-Internal Affairs Service o IAS laban sa mga aktibong pulis na isiniwalat ni ret. SPO3 Arthur Lascanas sa pagdinig sa Senado.
Ayon kay PNP-IAS Deputy Inspector-General Director Leo Angelo Leuterio, hahanap sila ng mga ebidensya na magpapatunay o magpapasinungaling sa mga testimonya ni Lascañas.
Lahat anya ng pangalan ng mga aktibong pulis na binanggit ni Lascañas ay saklaw ng kanilang fact finding kabilang na si PNP Chief Dir. Gen. Ronald “bato” Dela Rosa.
Tiniyak ni Leuterio na wala silang sasantuhin sa imbestigasyon bilang patunay na patas sila.
Magugunitang inamin ni Lascañas sa Senado na may alam si Dela Rosa sa Davao Death Squad noong hepe pa ito ng Davao City Police.
By: Drew Nacino