Kinasuhan na ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa DOJ o Department of Justice si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at 11 iba pa.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isinampang kaso laban kina Faeldon kaugnay sa mahigit anim na bilyong pisong halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs.
Maliban dito, inireklamo rin sina Faeldon ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na may kaugnayan naman sa nabunyag na tara system sa loob ng Aduana na siyang dahilan kung bakit nakalusot ang shabu shipment.
Nakasaad pa sa nasabing reklamo na si Faeldon din umano ang itinuturong nasa likod ng pagtakas ng ilang personalidad tulad ng Chinese national na si Chen Ju Long at iba pa na siyang utak sa pagpapalusot ng droga sa Pilipinas.
—-