Boluntaryong susuko si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Senate Sergeant-at-Arms sa Lunes.
Ito ang ipinabatid ni Faeldon sa isinagawang press conference matapos na mag-isyu ang Senado ng contempt at arrest order laban dito.
“I will go to the Senate on Monday and get myself arrested but I will not participate or attend the hearing. I will submit myself para ikulong na lang nila ako.”
“I will not attend any hearings by both house[s of Congress].” Ani Faeldon
Ayon kay Faeldon hindi pagmamatigas o kawalan ng respeto sa Senado ang kanyang desisyon kundi isang paglilinaw, hangga’t hindi malinaw aniya kung bakit nakakaladkad ang mga inosenteng resource person sa isyu ng korupsyon sa Customs ay handa siyang manatiling nakakulong.
“Napakabigat ng dagok sakin, sabihan ba naman na nagnakaw ka.
Bakit ang tingin natin ay wala ng matitinong tao ngayon?” Dagdag ni Faeldon
Matatandaang na-cite for contempt si Faeldon ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa ilang beses na bigong pagdalo sa pagdinig kaugnay sa P6.4 billion drug shipment na nakalusot sa Customs.
AR / DWIZ 882