Dumating na sa Senado si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon bandang alas-11:50 ngayong umaga.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee ngayong araw sinabi ni Senator Richard Gordon na isasailalim sa kustodiya ng Senado si Faeldon.
“The agreement was that he would appear and if he does not appear, he would have to be taken into custody and arrested.”
“We will place him here in custody of the Senate for further disposition later on. Let the record so state.” Ani Gordon
Matatandaang sinabi ni Faeldon na hindi siya dadalo sa senate hearing at mas nanaisin pang makulong.
Ayon kay Faeldon hindi pagmamatigas o kawalan ng respeto sa Senado ang kanyang desisyon kundi isang paglilinaw, hangga’t hindi malinaw aniya kung bakit nakakaladkad ang mga inosenteng resource person sa isyu ng korupsyon sa Customs ay handa siyang manatiling nakakulong.
“Napakabigat ng dagok sakin, sabihan ba naman na nagnakaw ka.
Bakit ang tingin natin ay wala ng matitinong tao ngayon?” Wika ni Faeldon
Matatandaang na-cite for contempt si Faeldon ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa ilang beses na bigong pagdalo sa pagdinig kaugnay sa P6.4 billion drug shipment na nakalusot sa Customs.
AR / DWIZ 882