Nakatakdang maghain ng isang resolusyon si Senator Panfilo Lacson para mailipat sa Pasay City Jail si dating Customs Chief Nicanor Faeldon.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtanggi ni Faeldon na dumalo sa pagdinig ng Senado ukol sa shabu shipment mula China at sa tara system sa Customs kahit pa nakakulong lamang ito sa loob ng Senado matapos na ma-cite for contempt.
Ayon kay Lacson, walang dahilan para manatili pa sa Senado si Faeldon dahil hindi naman nito kinilala ang awtoridad ng Mataas na Kapulungan.
—-