Hindi dapat managot si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon kung mali man ang naging implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ito ay ayon kay Atty. Soledad Mawis, isang legal expert at dean ng Lyceum of the Philippines University, College of Law.
Iminungkahi ni Mawis na hindi dapat managot si Faeldon kapag napatunayan na walang itong kinalaman sa paglaya ng mga preso dahit sa GCTA.
Dagdag pa ni Mawis, wala rin umanong basehan para isuspinde ang implementasyon sa Gcta dahil mas nararapat na muling aralin ang batas at mag dagdag ng probisyon tulad ng pagkakaroon ng pagdinig bago palayain.
Samantala, kinondena naman ni Mawis ang “shoot to kill order” ni Pangulong Duterte sa mga napakawalang preso dahil sa Gcta.
Sa panulat ni Lyn Legarteja