Bumuwelta si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon kay Senator Panfilo Lacson matapos ang alegasyong kasama siya umano sa mga tumatanggap ng lagay sa Bureau of Customs.
Sa isinagawang press conference ni Faeldon ngayong araw, tahasang inakusahan nito ang anak ng senador na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr., na umano’y nagmamay-ari ng mga “undervalued shipments” na kanilang nadiskubre sa mga unang araw niya sa puwesto noong nakaraang taon.
“We discovered the smuggled shipment during [our] first 12 days of office in Customs.”
Kinuwestyon ni Faeldon kung paanong nakakapag-import ang kumpanya ni Lacson Jr. ng bilyon-bilyong halaga ng kargamento gayong aabot lamang umano sa P20,000 ang kapital nito.
“Your son only had P20,000 capital but was able to import billions worth of goods.”
Sinabi rin ni Faeldon na ayon sa Cement Manufacturers’ Association of the Philippines, ang kumpanyang Buon Giorno ni Lacson Jr. ay ang pinakamalaking smuggler ng semento sa bansa.
“I guarantee you, Senator Lacson, the document your son presented to me wasn’t genuine.”
Binigyang diin ni Faeldon na hindi kathang-isip ang kanyang mga pagbubunyag hindi kagaya ng umano’y walang habas na pagsira ng senador sa ilang matitinong indibiduwal.
“I’ll provide you the documents, hindi ito kathang isip kagaya ng ibinibintang mo sa amin. Okay lang na magpasikat tayo, sir, but please not at our expense.”
“You want to destroy people like me and the officers on my team, you want us out because of this. We are getting close to naming you. Hindi ito tsismis, you can see the documents.”
Kasabay nito ay nananawagan si Faeldon sa mga senador na imbestigahan ang mga dokumentong kanyang ibinunyag.
AR / DWIZ 882